Ako Si...
20 September
Sino nga ba ako?
Nasaan nga ba ang totoong ako?
Ako ba yung ako na ngayo'y naririto
O sya ba'y naglilibot pa sa ibang lugar
Sa lugar na di pa nararating ng kasalukuyang ako
Yung lugar na di mo akalaing tatahakin ko
Yung lugar na maaring karapatdapat paroonan ko
Dahil nararamdaman ko sa oras na to
Oo, merong ako
Yung ako na sumununod sa'yo
Yung ako na laging ligtas mula sa tanong na "Ano?"
Pero nasaan nga ba yung Ako?
Oo, meron pang ako
Yung ako na alam ang gusto nya sa hindi
Yung ako na masaya sa ginagawa nya hanggang walang mali
0 comments