Pusong Nagdidigmaan
02 October
Mga salitang madiin mong iginuguhit saking puso
Paulit ulit ulit, sa tuwing nagkakamali ako
Mga salitang di ko matanggap
Ngunit sakin, mga ito iyong nahanap
Magkaibang isip, magkaibang pakikitungo
Ito nga ba ang nagkapagdudulot ng gulong ito?
Isip na di nagtutugma
Pusong tila nakikipag digma
Pagbato ng mga salitang marahas
Pilit na paglalapat ng lakas
Oo, napapagod na ako
Nasasaktan din at nahahapo
Alam kong kasalanan ko
Alam kong ako ang dahilan neto
Pero parang awa mo na
Maghinay-hinay naman tayo
Lahat ng akusa at iyong paratang
Iyan, iyan ang naglalagay ng harang
Harang sa pagitan nating dalawa
Harang sa pagitan ng pagtititwala
Ito na ba ang bagong tayo?
Alam kong ako ang dahilan neto
Pero parang awa mo na
Maghinay-hinay naman tayo
Lahat ng akusa at iyong paratang
Iyan, iyan ang naglalagay ng harang
Harang sa pagitan nating dalawa
Harang sa pagitan ng pagtititwala
Ito na ba ang bagong tayo?
Ganito na ba ang ayos say'yo?
Kasi di ko na makitang gusto mo pa
Na baguhin yung mga bagay na nagbago na
Kasi sabi mo kasalan ko
Na pati ikaw ay nagbago
Pero dito handa ako
Dahil matagal ko nang inasahan to
Ngunit hindi doon nagtatapos ang storya
Napakarami pa kasing natitirang pahina
At hindi porket nalapit tayo sa ating dulo
Titigil na't hindi na dudugtungan ito
Kase sa bagong dulo kaya kong simulan
Titingin sa liwanag sa ating harapan
Iyong kamay aking hahawakan
Upang sabay nating tahakin ang bagong daan
Kasi sabi mo kasalan ko
Na pati ikaw ay nagbago
Pero dito handa ako
Dahil matagal ko nang inasahan to
Oo, nalayo ako sa'yo
Naibaling sa iba atensyon ko
Saya na naidudulot mo
Sa iba, tila nakita ko
Naibaling sa iba atensyon ko
Saya na naidudulot mo
Sa iba, tila nakita ko
Ngunit hindi doon nagtatapos ang storya
Napakarami pa kasing natitirang pahina
At hindi porket nalapit tayo sa ating dulo
Titigil na't hindi na dudugtungan ito
Kase sa bagong dulo kaya kong simulan
Titingin sa liwanag sa ating harapan
Iyong kamay aking hahawakan
Upang sabay nating tahakin ang bagong daan
0 comments